Tuesday, February 20, 2007

Ang Mahabang Paglalakbay...(Warning: Isa ding mahabang Kwento)

Muntikan na ako umiyak nung nasa airport na ako. Nung hinatid ako, nagawa kong magpa alam sa Tita ko (sinundo din galling sa Laoag). Nalungkot ako nun nalaman kong umalis na ung kotse. This is it. My first time na tumuntong sa airport.

Sa NAIA airport..Maraming tao pagpasok ko. Binuhat ko ulit ang mga gamit ko galing sa trolley upang ilagay sa XRay machine-baggage thing. Tapos, inisip ko ang mga
commands sakin. 1st step!? HANAPIN ang EMIRATES CHECK-in. Ayun nakita ko. Madaming tao. Nung nasa pila ako ng entrance ng pila (meron kasing pila before ng totoong pila), yung naunang babae sakin ay tinanong ng kung ano-ano. Nag English naman ung babae sa lahat ng tanong. Kala ko kung cnong foreigner. Tapos nung pinapasok na sya sa pila bilang sinabi sakin, “mga Pilipino tlga magaling mambola…”, natawa lng ako…



Sa NAIA...

Nung nakarating na ako sa mismong check-in, tinimbang ang aking bag. 19.4 kilos. Muntik na ako kung nagkataon. Tapos sinabi sakin ng babae kung nagbayad na ako ng Travel tax. I said no. So sabi sakin ng babae magbayad muna ako. Nagbayad naman ako dun at bumalik. Then binigay na sakin ang BOARDING PASS. Un Boading Pass pala is ung akala kong Ticket pag nanonood ako ng mga palabas.

Pagpasok ko, nagbayad ako ng security fee. Na aliw ako dahil sa pila, ung mga foreigner ay walang clue na dapat cla magbayad. Natataranta clang mag labas ng kanilang mga dollar. Syempre ako nakaayos na kaya mabilis lng.

After nun ay sa immigration na. Naku, nakailang balik ako pano inde umaandar ung pila ko. Tapos nun turn ko na, cnabi sakin nung immigration person na meron akong nakalimutang Form. NAKU PO! Ulet na naman tuloy ako. Then after mga 8 months, turn ko na ulit. Nde cguro sakin nabilib ung immigration officer kasi ang dami nyang hiningi sakin. Tinanong pa ako kung anong gagawin ko sa Iran at meron akong Visa. Sabi ko wala ka ng pake malelate na ako kamote! So pinapasok na nya ako…

Daraan na naman ako sa XRay Machine-baggage thing. Pero dito dadaan din ako sa “tumutunog pag may bakal-thing”. So hinubad ko shoes (ginaya ko lng cla kahit alam kong nde gawa sa bakal ang shoes ko)at belt ko. Nilagay ko ang cellphone, wallet, belt at sapatos sa isang tray na dumaan din sa Xray Machine-baggage thing. Pagtawid ko sa “tumutunog pag may bakal-thing”, pinagmistulang hugis letter T ako para makapkapan. Pagkatapos noon ay may nadinig akong tunog. Nalaglag ung celphone ko!!! WAHH!!! Bute may crystal casing. Nun pinindot ko naman ok naman.


Boarding na pla. Ang bilis ng oras noon. Nde ko namalayan na last call na pla. Nun pumasok ako sa tunnel na nagcoconnect sa eroplano na excite ako at nawala ang lungkot.



Blurred kasi naglalakad (na excited)


Pagpasok ko sa eroplano at matapos kong ayusin ang mga gamit para ilagay sa overhead trunk, sinapian ako ng aking pagkabata. Kinalikot ko ung screen kahit nde ko alam. High tech promise. Dami choices ng movies, sounds at merong laro (pero nde ako naglaro...) Tpos dumating ung katabi ko. Malaking babae na pinoy. Dahil nga sa virgin pa ako sa pagpasok sa eroplano, tinuruan ng mga bagay bagay tulad ng
- pagsuksok ng Seatbelt
- pag usog ng upuan (para inclined)
- kung saan sinusoksok ung headphone
tapos nun maya maya nakita ko ung istiwardes... la lng nakita ko lng... /gg



Namangha si Bata nun nakita nya ang upuang may TV screen

Naramdaman ko nlng na umaandar na ung plane, tapos lumipad na. ANG BILIS! Naramdaman ko nlng kasi parang umalog ung tyan ko. Tapos lumulutang na. ayun…nde ko manlang na experience na Makita ung outside view sa window kasi nasa gitna ako. Nakalimutan ko din kasi mag request ng window seat, Sayang...

Nanood lng ako ng the Devil Wears Prada. Panget pla un. Kakatamad. Nung nasa kalagitnaan na nung palabas, nag serve ng pagkain, Nde masarap pano malamig ung chicken. Pagkatapos nun palabas, natulog nalng ako. Paputol putol. Tapos nun nalaman ko na 3 hours nalng ay darating na ako sa Dubai, ginising ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pag stretching sa CR. Tapos nanood naman ako ng movie (XMEN3). Next thing I know, maglalanding na un Plane. NASA DUBAI NA AKO. Thank God dahil we arrived safely.

Pagdating ko sa Airport ng Dubai, nakita ko ung pagkakaiba sa airport natin. La lng. Medyo nalito ako kung saan ako pupunta. Basta sinundan ko lng ung mga signs kung saan ang Baggage counter. Sa paglalakbay kong iyon ay marami akong nasakyang flat-calator (ung escalator na nasa lapag lng at nde nag e-escalate) aheheh.. nakatulong un pano ang bigat ng bag ko at nangangawit na ung shoulders ko sa Laptop. Bago ako makapunta sa Baggage, dumaan ako sa immigration nila. “Good Morning, may I ask is this the way to the Baggage”, sabi ko kasi akala ko nde yun immigration. Tinitigan lng nya ako (for reference sa Passport ko) tapos nde cnagot ung tanong ko. Isang malakas ng tatak ang ginawa nya sa Visa ko. Pagkakuha ko umalis na ako at inisnab ko din sya…


Blurred ulit kasi naglalakad (na excited)



The Flatcalator…(or whatever it is called)


Signs…


Signs…



Naks! Nakita ko saan "umiikot" ang mga bags. Pagkakuha ko, meron akong nakitang palitan ng pera. So from my reminders, alam kong ok lng mag papalit ng pera sa Airport kasi ok naman ung exchange rate. Ung 100 usd ay naging 360 Dirhams.


Merry go Round...

Bag ko yang nasa Gitna (ung may sticke na green na maliit)...

Pagkatapos nun, sinundan ko lng ulit ung mga signs (named Greeters area) kung saan ung antayan. Maya maya, nakita ko na ung pangalan ko na nakasulat sa papel at hawak hawak ng isang babaeng Pinoy. WAHHHHHh… kakahiya. Pero at least tama ung spelling. E2 na siguro si Mae… tapos nun sinabi ko na ako un. “Hello Kabayan!, teka lng tapusin ko lng toh.” Meron kasi sya kasamang 2 foreigner na kasama mukhang nde pa nagbabayad kaya may kausap sya sa cellphone from the hotel. Pagkatapos nun, nagkwentuhan kami hangang makarating sa labas.. Tama nga c Father Nomer, parang Tagaytay ung lamig..

Bakit kaya tumatakbo ung tao sa sign at parang may apoy sa likod? hmm...

Sinakay nila ako sa parang L300. Tapos nagchikahan ulet ng kaunti. Nabangit ni Mae na naaantok na sya at pagod so nde ko na sya masyado kinausap. Hanggang makarating kami sa CAPITOL HOTEL…


Blurred na naman...dahil nanginginig sa lamig

Dahil dumating ako ng mga 6:00 am dun, minarapat ko munang matulog ng kaunti pagkatapos kong mag ayos ng mga luggage. Tumawag muna pla ako kung hanggang anong oras ung breakfast buffet nila. Syempre, nag English ako, cguro natunugan ung accent kong Pinoy, so tinagalog na nya ako… “Kabayan wag mo na ako pahirapan” tumawa lng ako. So ayun. Up to 11:00 am pa daw. Edi ayun natulog na tlga ako.



Gumising ako ng mga 10:00. naghilamos lng ako at saka bumaba. Nasa Mezzanine ung kainan. Ayun! 2 Pinoy agad nakita ko. They reminded me na may bayad pa ung buffet ko ngayon bukas pa daw ung libre. So ok lng wla naman akong pake dun ahehehehe…

Pagkatapos kumain ng tinapay, sausage, (parang)hotdog, itlog, prutas, hashbrown, at uminom ng juice, ay umaakyat na ako para magisip ng gagawin.

Nung binuksan ko ung Shower, ANG LAMIG NG TUBIG! Bute nlng merong Room service na Pinoy na dumating. Tinuruan nya din ako kung pano un (pasensya na talaga first time)…



Di ako sanay sa palipat-lipat ng upuan after mag pupu

Pagkatapos maligo, naisipan kong bumaba. Naisip ko na maglalakwatsa muna ako ngayong araw. Nakilala ko c kuya Paul (meron pang isang bellboy syang kasama na Pinoy din pero nde ko nakuha ung name). Sinabi ko sa kanila na gusto ko sana bumili ng Digi Cam. Tinuro nila sakin kung pano pumunta sa CARREFOUR. Parang SM daw nila un na mura. Tapos, sinabi nila na pumunta ako sa Dubai Museum at mag taxi nlng galing ng Carrefour(about 3 dirhams lng naman daw un). Tapos, sumakay daw ako ng Abra (boat ata un) para pumunta sa GOLD SUK (suk means market). Astig daw ung entrance nun gold aheheheheh (as seen daw sa movie na DUBAI (pero nde ko un napanood) pero nde din ako nakapunta. So I started my Dubai Adventure…

Tumawid ako sa highway para makarating sa Bus Stop.


Bus Stop for Bus No. 8


Mga 10 minutes later, dun ko nakitang dumating ung Bus number 8. Sumakay ako, at binigay ang 5 dirhams na galing kay kuya Paul (nagpapalit ako ng 20 dirhams para maging 5-5-10), sinuklian ako nun driver ng 3.50 dirhams. ASTIG! May resibong na galing sa electronic device na katabi nya! Umupo ako sa 3rd row. Sa sobrang mangha ko sa bus ng Dubai (pano sobrang daming pedeng pindutin), nde ko napansin na ung 1st 3 rows ay para lng sa babae, elderly at disabled. WAKOKO..kakahiya


Bus number 8’s High Tech ticket dispenser ekek

Dumating din ako sa Bus terminal na malapit sa Carrefour. Tumawid muna ako sa parang highway at pumasok sa mall. Parang Hypermarket lng pla un at nde SM. Supermarket lng tlga. Nde ako nag enjoy (kasi panget mga digi cam tapos mahal pa).



Tumawid ako pabalik sa Bus Terminal. Dahil sa disappointment ko sa Carrefour, gusto ko na pumunta ng Dubai Museum. Nag antay ako ng taxi pero sobrang dalang. Pag may dumating, unahan ung mga tao. Tapos biglang may lumapit na lalaki saking Dubai native. “SAN KA PUNTA?”… kakagulat.. So sinabi ko sa kanya, “gusto kong pumunta ng Dubai Museum”… sabi nya… “MALAPIT LNG!” WOW tlga… akalain mo yun nde un Pinoy pero naintindihan nya ako… La lng. Sabi nya straight lng daw… so ako naman lakad lng ng Straight…

Sa pagiikot, I have seen no clues on where is the Museum. So I decide to get a cab. “Where to?”, sabi nun taxi driver. “Dubai Museum please” sabi ko. “HAHAHA, tsktsktsk, its very close…” sabi ba naman sakin. Yabang…4.50 dirhams binayad ko…

Pagdating ko sa Dubai museum, dun ko lng naisip na sana bumili na ako ng digicam. Bobo ko tlga.. Entrance fee is 1.50. Mura sobra Barya lng ahehehe



Masaya sa loob. Pero medyo nde ko naenjoy kasi medyo hapon na. gs2 ko din sana pumunta sa Burj Al Arab pag dating ng gabi. Kaya nag picture picture lng ako pag dating ko dun at nde ko masyado naenjoy ung mga captions ng mga nsa museum. Dun ko nalaman na canal or creek lng ung Dubai dati. Tapos ngayon ang ganda…dun ko din nakilala ung Kuba… aheheheh



Ibong pang racing daw(pano kya nya nakikita ung nililiparan nya?)


(Bading yan..)


Bangkang pang dagat?


Improvised at Makintab na Boga…


Kuba...

After siguro mga 45 minutes sa loob, lumabas na ako at naglakad nlng papuntang Bus Terminal (na memorize ko na). Sobrang tagal ng Bus, kaya nde na ako nakapunta sa Burj. Sayang… Pagdating ko sa Hotel, nagpahinga lng ako ng kaunti at nanood ng tv. Walang matinong palabas…bute nlng at least may Cartoon network ahehehehe…Powerpuff Girls.. wa talaga ako choice…

Nung mga 6:30, lumabas na ako para kumain ng Dinner. Inisip ko ung cnabi sakin ni Father Nomer. TAZA café. So tinanong ko si kuya Paul kung pano pumunta dun (even though naturo na sakin un ni Father Nomer ahehehe). Tinuro naman nya sakin pero sinabi nya sakin na Fried Chicken daw ang pagkain dun. Gusto ko sana ma try ung food ng Dubai. So he insisted na pumunta ako sa Restaurant named PICNIC. Try ko daw ung Chicken Beriani. 14 Dirhams lng sya. Ayun. Naglakad ako at nakita ko naman ung place. Nung inorder ko un Chicken Beriani akala ko na dugas ako kasi wala ung CHICKEN! Un pla nasa ilalim nung kanin...ahehehe



The renowned Chicken Beriani.. Wait! Where’s the Chicken?

Syempre pag uwi along the way nag picture picture ako… akalain mo merong Jollibee dun sa Dubai (pero wlang kumakain ahehehehe)…



Welcome Rotonda



Flag Pole


Capitol Hotel at Night

Paguwi sa Hotel, nag prepare nlng ako ng isusuot kinabukasan pagpunta sa CSME office. Nanood ako ng Samurai Jack tapos natulog nlng…

Pagka gising, as usual, kumain muna ako ng breakfast (alam ko nde ako naligo pero naghilamos naman ako bago bumaba). Naka pajama ako nun at naka slippers ng hotel nun kumakain. Ung mga kasama ko dun na kumakain mga naka amerikana wakokokokok…

Ayun, pumunta na ako sa CSME Office. Mga 5 minutes before 8 dumating na ako. Sarado pa. walang tao. Parang CSManila ahehehe. After meeting with Shyam (sya ung kasama ko sa Iran for 3 days), Richard Barker (Client Services Director of CSME), and Steffan Tyggstaf something (Overall bossing nila), nakauwi na ako sa hotel ng 12:30 kasi ang flight namin is 6:30 pm so dapat mga 3:00 alis na ako sa hotel...


NAKS!



Dubai Real Estate Building, CSME Office, Dubai



Mahilig sa 3rd Floor ang CS

Umalis na ako ng 3:00 pm. Tinulungan ako nila kuya Paul na makakuha ng taxi. Sinabi sakin ni Shyam (from CSME na kasama ko sa Iran for 3 days) na sa Business class kami magkita (sosyal). Meron pla syang Skywards Silver. Ibig sabihin kahit economy class lng ung ticket namin, pede nya ako isama sa check-in ng business class (walang pila) at business class lounge (na pede ka istambay at kumain ng buffet LIBRE!). Pagkatapos noon, dumaan na naman kami sa immigration (na nde rin nagsasalita, tinatakan lng ng malakas ung Iran visa sa passport ko), sa XRay Machine Baggage Thing at sa Tumutunog pag may bakal thing. After nun, nakita ko sa Duty free ung mga Digicam. Merong mura so binili ko na. J Naglakad na kami sa Business class lounge at doon umistambay hanggang pede na mag board ung sa flight namin.

Ayun… Ung mga sumunod corny na pano sa Iran na…

ALAM NYO KUNG BAKIT? TINGNAN ANG PICTURE SA BABA PARA MALAMAN NYO...




PROMISE 13TH FLOOR UNG OFFICE NILA DUN KUNG SAAN AKO NAGWOWORK SA IRAN...

TSKA NGA PLA SA MGA NAGPO PROJECT SA BANK MELLI SA LONDON INGAT,

TINGNAN DIN ANG PICTURE SA BABA...



No comments: