Wednesday, May 30, 2007

Trinoma...

Habang naglalakad sa G4 pauwi galing ng office ay may tumawag sakin (si Sales para sa mga nakakakilala), sabi nya traffic daw sa MRT.. pano stranded na un mga tao sa North ave. Nde na daw umuusad dahil walang gustong sumugod sa malakas na ulan...

Pagdating ko dun, grabe nga dami nga ng tao. Ung iba tambay lng sa labas, nde muna lumagpas sa turnstile, ung iba naman eh nakapila pababa...

Dahil bukas na ang Trinoma, minarapat kong sumugod kahit mabasa ako ng kaunti kesa naman tumambay doon sa Mrt Station. Nabasa at naligo ako sa ulan. At least naka pasok naman sa Trinoma. Ganun din naman kc pag pupunta ako SM North nde rin ako makakatawid sa footbridge...

Nag ikot ikot ako at nakakita ng masayang pangyayari...


Binabaha pla ang mall... Ewwws...

Ngayon tatandaan ko na mas masaya parin gawing tambayan ang SM North (lalo na pag umuulan)...




Kakaturn-off.


Tpos namamaho pa un mall amoy Cemento dahil sa tubig...


Ma taas pa naman ang "level" ng AYALA malls para sa akin if compared to other Malls. Pero cguro bagong bukas lng tlga sya kaya nde maiiwasan ang mga ganitong pangyayari...



eh pano na kung bagyo pa ito.. hmmm...




No comments: